Saturday, March 13, 2010

From Spes: [upis1980] DZ-UPIS'80

....isang lalake ang nagtanong sa record bar -- "Miss, meron ba kayo noong kanta na - (at inawit ang) lalalalala-lalalala-lalalalalalalalalalalahh"
at sinagot naman siya - "Ay, sir, sorry po, WAHlalalala-wahlalalala..."

....isa nanaman pong yugto ang sumasainyo dito lamang saaah DZ-UPIS, diyesenuebe-ochenta lamang po sa inyong talapihitan, sumasahimpapawid pa rin mula sa aming munting nayon, silangan ng Manila...

....sana ay nakaugalian nyo nang unat-unatin gently with your fingertips ang mga facial wrinkles especially when you're stressed...at kung hindi kayo tiyak na malinis ang keyboard at your fingertips, pwede rin naman gamitin ang the back of your hands...the results of this simple, do-it-yourself measure will surprise you....

....natagpuan na po ng ating kaklase na tinago sa pangalang Bert ang hinahanap niyang kaklase rin nating si Ernie...doon lang po pala sa kanto ng Kalye Sesame...nagkatapat sila nang bumili sila ng balot.... at bilang pasasalamat ay isang awit ang hiniling sa ating palatuntunan ni Ernie naman para kay Bert...

"....nagtatanong, bakit mahirap sumabay sa agos ng iyong mundo...
nagtataka, simple lang naman sana ang buhay
kung ika'y matino

sabihin sa 'kin lahat ng lihim mo
iingatan ko
ibaling sa 'kin ang problema mo
kakayanin ko...."

....ahhht isa nanaman pong liham ang ating ibabahagi para sa isang kaklaseng itatago natin sa pangalang Mabel....

Minamahal kong Mabel,

Mabuting balita! Hindi mo na kailangang maghukay sa mga gamit mo ng litrato para sa "Noon" portion ng "Noon at Ngayon" slide show na bubuuin ni Manny at ipapalabas sa July 10. Nabanggit ko na ito kay Susan. Naalala mo nung bumiyahe tayo nila Amihan at Susan sa Batac with the late Ma'm Flores? Aba, we have three pictures in swimwear at the beach, and one along the steps of a rectory. Tamang-tama dahil apat naman tayo. Now for the "Ngayon" portion you can bring a recent picture of yours/your family, plus, the four of us can go to the beach again for a pictorial, this time wearing, hold your breath..... malong naman siyempre. I haven't mentioned this to Amihan but I am sure she will not object to the malong idea...

Looking forward to seeing you again,
Spes

Isa pong paalala sa ating mga ginigiliw na sumusubaybay. Mangyari po lamang na ipadala ang inyong scanned/digitized pictures ng "Noon" at "Ngayon" sa email ni Andoy o ni Manny by March 30 sana dahil marami-rami ang mga litratong kailangang ayusin at lagyan ng captions.

Muli po kayo inaanyayahang lumahok dito sa ating palatuntunan, maging liham man, pagbati o panawagan. Lagyan lang po ng DZ-UPIS'80 sa subject at ipadala sa ating egroup.

Mabuhay!

No comments:

Post a Comment

Please drop us a line.