Saturday, March 20, 2010

DZUPIS'80- part I

...muli pong sumasainyo ang ating palatuntunang paborito ng lahat...DZUPIS'80!
...isang mainit-init na pagbati sa inyong lahat, mga ginigiliw na sumusubaybay....

paalala po lamang, magpadala na po ng intong mga litrato para sa NOON at NGAYON slide show...
litrato po ninyo, hindi po ng crush n'yo noon at crush n'yo ngayon katulad ng akala ng ilan...

ang mga litrato ay maaaring i-scan o kaya'y kunan ng litrato muli gamit ang digital camera para po maipadala sa email mismo ni Manny o kaya kay Andoy...

Sana ay makarating kayo sa kitakits sa ika-26 ng Marso, 6pm kina Syl,
kung saan sisimulan na rin ang pag-scan ng mga litrato kaya dalhin n'yo na rin ang mga litrato n'yo...

Simple lang makarating kina Syl.... Mula Commonwealth Ave., kanan sa pagitan ng McDo/Shell at EverGotesco. Sundan lamang ang kalye at sa dulo nito gumawing kanan sa may guard house. Sabihin lang sa guard at ituturo sa inyo ang lugar nila Syl. May tricycle din naman sa kanto ng McDo/Shell.
Kung galing kayo sa Katipunan, kumanan papuntang Celebrity Sports Plaza at pagkalagpas ng Albergus/Pandan Resto, kumaliwa patungong Commonwealth Ave...

Siyempre po, potluck pa rin pero kung hindi kayo masarap magluto, drinks na lang o chichirya, o kwento..... kalibitin na ang mga ka-tropa!...

May nagparamdam na muli sa YM makaraan ang ilang taong quietude o pandededma....at umaasa akong makakarating siya!....Abangan!

Isang panawagan -- kailangan natin ng isang screen para sa slide show sa July 10. Mangyaring ipagbigay alam dito sa DZUPIS'80 o kay Syl kung makapagdadala kayo...

Sa wakas....bibigyang daan natin ang isang liham....sa pagpapatuloy ng ating palatuntunang DZUPIS'80!



follow us on twitter: http://twitter.com/upis1980

No comments:

Post a Comment

Please drop us a line.