Friday, March 5, 2010

From Spes: DZUPIS'80 -- Isang Panawagan

...kumusta po muli mga ginigiliw na sumusubaybay dito lamang saaah DZUPIS'80
...sana ay nakakapag physical exercise kayo muna bago naupo sa harap ng computer...

...at habang nakaupo sa computer ay iunat-unat lang gently with your fingertips ang inyong noo at kanto ng mga mata para maski papaano ay mabawasan ng lalim at bilang ng facial wrinkles...
...sa puntong ito, nais ko pong pasalamatan ang idinulog na panawagan ni Mitch sa ating himpilan tungkol sa binubuong reunion para sa mga hindi makakarating dito sa Pilipinas para sa July 10...

....bibigyang daan naman natin ngayon ang isang liham-panawagan na sana ay matugunan ng sinomang sumusubaybay sa ating palatuntunan dahil medyo technical ang tulong na kailangan...

Minamahal kong Susan,

Minarapat ko nang ibahagi dito sa ating sikat na himpilan ang iyong liham...

----- Forwarded Message ----
From: susan edilo <sisa0798@yahoo.com>
To: spes reyes <spes_reyes@yahoo.com.ph>
Sent: Thursday, March 4, 2010 11:15:21
Subject: Panawagan

Dear DJ Spes,

Ako ay sumusulat sa iyo ngayon upang manawagan at humingi ng tulong sa milyong milyon mong mga tagapakinig. Alam ko ang palatuntunan mo ay number one kung kayat alam kong malaking tulong ito sa akin.

Ako ay nananawagan kung sino man ang nagtratrabaho sa US Embassy o kung may kakilala man lang. Mag papa advice sana ako tungkol sa aking Visa. Sa sawing palad ako ay isa sa mga nabiktima ng baha na dala ng bagyong Ondoy at kasama sa mga umalon ay ang aking passport. Itatanung ko lang sana kung paano na ito? Hindi pa naman expired and Visa ko at maayos naman ang Visa at walang bura-bura o watermarks.Pwede pa ba kaya ito?

Siguro isasabay ko na rin ang panawagan kung sino man ang may kakilala na rin sa DFA. Actually, nabigyan na ako ng payo sa DFA. Dahil ang passport ko ay di na maayos ang itsura, pinayuhan ako na magpagawa ng Affidavit of Mutilation. Ok na ito,. Meron na akong hawak. Meron na din akong appointment sa DFA pero ito ay sa March 15 pa pagkatapos kong pumila ng madaling araw at appointment nalang ang aking nahabol. Ngayon nananawagan ako sa mga tiga-DFA. Baka naman makakuha ako ng mas maagang appoitnment before March 15? Kailangan kong ayusin ang passport ko ng mas maaga kasi baka kailangan ko rin mag ayos ng Visa. Malaking pasasalamat ko kung ako ay makakakuha ng mas maaga sa March 15 na apppointment. Kahit pumila pa ako ulit. Kumpleto naman ako sa mga documents.

Hanggang dito na lang po DJ Spes. Maraming salamat sa pagbigay mo ng oras para sa panawagang ito.

Lubos na gumagalang...

Susan

Salamat, Susan, sa iyong liham-panawagan at sana ay may makasagot sa iyong mga tanong

....ahhht, sa ating mga minamahal na tagapakinig, laging tandaan.....sama-sama pa rin tayo dito saaah DZUPIS'80!

.....Bukas po ang ating himpilan bente-cuatro oras para tumanggap ng inyong mga liham o panawagan. Ilakip lang po sa subject heading bilang DZUPIS'80 at maaaring dugtungan ng subtitle katulad ng nakikita niyo ngayon

Mabuhay!

===

Follow us on Twitter: UPIS1980
Be a UPIS 1980 Facebook Page fan.

No comments:

Post a Comment

Please drop us a line.