Monday, April 26, 2010

FromSpes: DZUPIS'80 (26 April 2010)

..isang mainit-init na pagbati sa ating mga ginigiliw na sumusubaybay dito sa pinakasikat at walang kapantay na himpilang DZUPIS'80!

...sa kasawiang-palad, hindi ako nagwagi ng anumang premyo sa pa-Bingo noong nakaraang biyernes ngunit nabusog naman sa tawa...kasi naman, laging off by one number ang mga numero sa Bingo card ni Jerry V...

...napag-iisip tuloy ako... kung dapat ko ng samantalahin ang alok sa tuwing bukas ko ng e-mail na mapapasaakin ang 60% ng US$28million na nasa isang bangko daw sa Africa...aba, kung totoo 'yon ay wala na tayong aalalahaning fund-raising para sa July 10 at pati round-trip fares from wherever at first class accommodations for the reunion ay sagot na even for those coming from abroad...at puro big-time ang performers bukod sa akin, of course, at ang mga papremyo sa ating raffle, naku i-i-snob-in na yung ref...at malamang may out-of-town batch gimik pa sa...maybe Palawan...pwede na siguro sa El Nido...o di ba?!...talagang masarap mangarap!!! Libre naman daw at di bawal sa mahirap!!!

...ahhht...habang tayo'y nangangarap, pag-igihan na ang pagsasanay sa inyong aawitin o kaya naman ay sasayawing bilang sa ating programa sa July 10...take courage, it's mind over matter...after all these years, kayang-kaya na natin mag-project, as in, taas noo kahit tinikling pa 'yan...full of confidence na hindi maiipit sa kawayan...kaya ang mga ka-tropa niyo, walang tigil niyo nang kalampagiiiiin...dahil mahigit dalawng buwan na lang po ay dapat pang-idol na talaga ang inyong performance level...at kahit limpak-limpak ang ating pondo para sa July 10 to pay for known performers, priceless kasi ang endearing & entertainment value of seeing each other share a talent or two on stage...at inuulit ko po, mga ginigiliw na sumusubaybay...sabay-sabay nating abutin itong pangarap na maging... surprise batch idol...

....paalala muli, raid your baul for high school pictures to be sent to Manny, along with a more current one para sa Noon at Ngayon slide show....

....also check your baul for a late 70's-early '80's disco outfit for you to wear to our July 10 affair

....ahhht....sana'y....maulit muli....ang Binggohan!....kaya't antabayanan!

sa mga ginigiliw na sumusubaybay... always remember what 'Mabuhay!' means when you read it here...

kaya...hanggang sa muli,

Mabuhay!

No comments:

Post a Comment

Please drop us a line.