Saturday, April 10, 2010

From Spes: DZUPIS'80 April 11

 

....ahhht....kumusta nanaman po muli sa inyong lahat....mga ginigiliw na sumusubaybay sa ating pinakasikat na palatuntunang DZUPIS'80!...

....maligayang bati para sa inyo na may anak na nagtapos nitong nakaraang Marso ng kinder, prep, elementary, highschool o di kaya'y college etc...isang bouquet of orchids para sa inyo!...

....dahil walang nangahas humula ng lumikha at umawit ng kanta na pinahulaan ko sa ating mga tumatangkilik sa ating palatuntunan noong huling pagsasahimpapawid....napilitan po akong gamitin yung gantimpala dahil may deadline yung gift certificate para sa makakahula... roundtrip tickets + top of the line accommodations inclusive of all meals for a a group of five at a high end resort in Boracay for the 4-day Holy weekend!....whohw! Hayaan nyo dahil may pagkakataon pa kayong manalo naman ng premyo sa BINGOhan sa April 23 kina Dodo & Syl...tiyakin nyo lang na kaya nyo magbuhat ng ref....

....ahhht....habang naghahalungkat kayo ng mga litrato para sa Noon at Ngayon slide show na itatanghal sa July 10 reunion, pakibuksan na rin ang baol at maghanap na ng late 70's disco outfit para sa reunion...at kung hindi na kasya ay may panahon pa naman para kumasya kayo uli sa inyong bell bottoms, cigarette pants o baston...if your memory is starting to fail you and you're wondering what outfit that would be, try to recall VST & co., Hagibis, Village People, Saturday Night Fever... to get into the groove!...at paki-rehaearse na rin yung dance steps ni John Travolta para wagi!

....ahhht....para sa mga nahiligang timugtog ng gitara noong highschool, aba, panahon na na mag-insa-insayo muli at magpakitang gilas sa pagtugtog at pag-awit sa ating big event, kahit pang-kalibreng Freddie Mercury lang...

.....isa nanaman pong liham ang aking ibabahagi sa ating mga ginigiliw na sumusubaybay....hindi kasi siya sumagot sa text at off-line ang kanilang landline...

.....para sa isang kaklaseng itatago natin sa pangalang....Anna....

Dearest Anna,

When I look back, you were arguably one of the wisest persons in our high school crowd, gently drawing those around you to step up to a higher level of thinking, understanding & compassion. Sometimes the wisdom shared then came from things we saw on TV, or heard in church that we absorbed like we were sponges. Like Gina quoting "The world is fair; it breaks everybody's heart, " or Marycil telling me about how humus is linked to humility. 

So how does that play into these days? Well, when I talk with my kids who are all in their teens, I keep reminding myself that indeed they may be wiser than their years, and I don't have to be right all the time. 

Oh, so sorry, Anna, our reunion venue is strictly non-smoking area, but just 3 or 4 floors down the elevator, there is a smoking area. But I suppose we should be wise enough now to know the better alternative...hahaha! 

With much affection,
Spes

....ahhht sa mga nais magbahagi ng kanilang liham, o manawagan, gamitin lang po ang DZUPIS'80 bilang subject at ipadala sa ating egroup...aba, malay nyo, ma-enjoy din ninyo ang pag-bro-broadcast...as in picking up a new career in mid-life...pero syempre yung pag-aawit sa radyo, ipaubaya niyo na sa mga katulad ko...

Mabuhay! 


=======

No comments:

Post a Comment

Please drop us a line.