Sunday, April 18, 2010

From Spes: DZUPIS'80 April 18.

...ahhht...tuloy-tuloy po muli ang pagsasahimpapawid ng ating palatuntunang DZUPIS'80!

....sana ay nasa maayos kayong kalagayan, mga ginigiliw na sumusubaybay....

....sa lahat ng mga nakadalo sa photo-op, sana ay nag-enjoy kayo...iunat lang with your fingertips ang lines from all the squinting we did under the bright sun...

....maraming salamat kay Paul Sison & co. for the photo-shoot....

....sayang nga lang at hindi nakarating ang mga make-up artist dahil naipit daw sa traffic...

....pero maaasahan naman daw ang photoshop to work miracles...and sana to add the faces of Janina and Joy to the group pictures....

....inaasahan po ang inyong pagdalo, mga ginigiliw na sumusubaybay, sa gaganaping Bingo kina Syl at Dodo sa darating na biyernes, April 23, after work....potluck po as usual and bring your preferred drinks...marami pong mga mapapanalunan kaya nagpagawa na ng bodegang sinlaki ng Multipurpose Hall si Syl para sa mga premyo...

....ahhht, para kay Beth, sana ay maganda ang daloy ng iyong training para sa fund-raising run...kung hindi lang sana gaanong mainit dito mag-aalok na sana ako as local counterpart for a paralllel fund-raising run pero 1000 meters lang, ha...at per meter ang patak ng donation ng sponsors...daig pa ang metro ng taxi....

....sa lahat ng mga ginigiliw na sumusubaybay, huwag mag-atubili na magbahagi ng liham, manawagan o magpahayag ng inyong mga mensahe....gamitin lamang ang DZUPIS'80 bilang subject...at kung gusto niyo magbahagi ng recipe or good humored advice para sa middle-age woes ay pwedeng-pwede rin....

....checklist  (  ) send pictures to Manny for Noon at Ngayon slide show
                  (  ) rummage through your old stuff for late 70's-early-80's disco outfit for July 10
                  (  ) Bingo this friday 
                  (  ) check out your high school crush(es) in FB...hehehe, joke lang po...

Mabuhay!




follow us on twitter: http://twitter.com/upis1980

No comments:

Post a Comment

Please drop us a line.