Sunday, February 28, 2010

DZ-UPIS'80 by Spes Reyes

Sent by Spes to the Yahoo! Groups:

...sa mga ginigiliw na mga sumusubay sa ating palatuntunan, kumusta pong muli at nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan, mainit man o malamig sa inyong lugar...

...muli tayong nagsasahimpapwid dito lamang saaaah DZ-UPIS'80....

...at ngayon, isang awit para sa mga kaklase na noong una kong makilala ay para bagang straight from Precious Moments greeting cards ang anyo at dating ngunit sa kalaunan ay naging mga mama at mga ale din...katulad nila....teka, teka, mahirap na at baka magantihan...

....narito na po ang awit...

"....oooh ooh, aaah haa....

precious moments......

.....oooh ooh, aaah haa...

precious moments.......

when will I see you ahhgaihhn...."

....at sana naman ay hindi nangupas sa inyong alaala ang tono ng oooh at aaah....

.....Ipagpaumanhin po ninyo na ako ay susulat muli sa kaklase ng isang liham dahil hindi niya po ako titigilan hanggang hindi ko siya nasusulatan dito sa ating palatuntunan. Itatago po natin siya sa pangalang Susan.

Minamahal kong Susan,

Labis akong natuwa nang makita kitang muli. It was truly a precious moment.Brave ka pa rin, friend. Wala kang pag-aalinlangang humawak sa mikropono upang umawit, at sabay indak sa Dancing Queen!

May kwento nga pala ako tungkol sa batang napanood natin sa cellfone na sumasayaw. Aba, o, di ba naluma ang dance steps mo? Buti na lamang at hindi kayo nagkasabay sa CDC. Hulaan mo kung ano ang sinabi niya after their pre-school class sa student-teacher who was having her first day jitters.

Malay mo nga ba naman, ano?!

Pwes, ang sabi niya ay ganito - You did a good job today.

O, eh di napanganga ka. Ang tawag doon ay Precious Moment moment.

Wishing you countless precious moments, ( hindi "precious and few" dahil ibang kanta na yon)

Spes

...Paalala lang po sa mga ginigiliw na sumusubaybay sa ating palatuntunan, most requested song na po among females sa videoke ang Dancing Queen kaya ibang awit na lang po para sa inyong song/dance number sa ating July 12 program.

...Muli po kayong inaanyayahan to go "on air", share a letter in radio broadcast style dito lamang saaah DZ-UPIS'80 Mabuhay!


===

Follow us on Twitter: UPIS1980
Be a UPIS 1980 Facebook Page fan.

No comments:

Post a Comment

Please drop us a line.