Tuesday, May 18, 2010

From Spes: [upis1980] DZUPIS'80 - mahalagang paalala



.....isa nanaman pong mahalagang paalala ang hatid sa inyo dito sa pinakasikat na programang DZUPI'80...

.....mga ginigiliw na sumusubaybay, sana ay naiingatan niyo ang inyong pangkalahatang kalusugan....

.....para sa mga madali nang mamakalimot, hinihiling ang inyong agarang pagtugon dito sa mahalagang paalala....

.....at doon naman na mga nakakatiyak na talagang naaasahan pa ang kanilang alala/memory, sana ay hindi na nga kailangan ang paalalang ito dahil noon pa lang ay natugunan na....

Hinihiling po na pakisagutan na ang e-vite para sa JULY 10, 2010 affair mula kay Raffy at Dindo.

Kailangan nating malaman kung ilan ang paghahandaang dadalo, kasama na ang inyong panauhin o guest o di kaya'y partner o date.

Dahil limitado ang ating resources tulad ng pondo (which btw holds true anywhere you go) batchmates lang po at ang mga accelerated (pakitanong na lang po kay Syl :)) ang maililibre. Para sa bawat panauhing isasama ay may katumbas na P1,000.xx na contribution.

Kung kayo ay nakapag-ambag na bilang "sponsor" sa July 10 affair, maaari kayong magsama ng isang panauhin. Kung higit isa ang isasama niyong panauhin, may katumbas na rin na P1000.xx na contribution para sa bawa't isang karagdagang panauhin. 

Sori po to disappoint you ngunit hindi po kabilang sa mga "sponsor" ang mga namili ng fundraiser CD na labor of love nila Pia.
To confirm if you are a sponsor, please get in touch with Herman or Senen. 

This RSVP matter really matters because only those who confirm by responding to the e-vite will be included in the guestlist, and will beassured of a seat at the affair.

We are allotting P1,000.xx for each who confirms and this is no small amount. Once we give the hotel our expected guestlist number, we commit to pay whether those who confirmed do attend, or not. Siyempre sayang din naman, di ba?

Again, because resources are limited, we'd like our resources utilized optimally so let's minimize leaving the matter of expected number of guests AND attendance to chance. The time and careful attention that each of us gives this matter will exponentially celebrify our Perl anniversary. O, bongga, diba? 

....well, what more can I say? Kahit kami sa showbiz ay hindi exempted from delivering strictly business matters....ahhy, kailangang mag-unat-unat uli ng facial wrinkles....

Mabuhay! 

From Spes: [upis1980] DZUPIS'80 - announcement- fundraiser for UPIS Girl Athletes



....ahhht...muli pong nagsasahimpapawid ang paborito nating palatuntunang DZUPIS'80!....
....sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, mga ginigiliw na sumusubaybay.... 

....naaalala niyo ba na minsa'y nabanggit ko ang Precious Moments na nauso sa greeting cards? Yung teardrop-eyed innocent faces? Well, in yesterday's newspaper I read that its creator, Samuel John Butcher, originally from Michigan now resides here in our islands. Noong araw, nabasa ko nakapagpagawa siya ng kapilya featuring his creations. He now has a resort and spa in New Washington, Aklan. O, diba? kung may New York sa Cubao aba'y meron din palang Washington sa Aklan...

.....sa mga kapwa kong mga bumoto sa nakaraang election, congratulations sa ating lahat...kahit magkakaiba tayo ng binoto, naparating natin (sana) ang ating tinig noong halalan...by the way, Mariko, yes, idadaan ko nga pala sa inyo ang T-shirt with the face of one of your senate candidate...sino, ka n'yo?.... isang clue -bahagi siya ng entertainment industry... 

......ahhht, tumungo naman tayo sa mga liham/panawagan.....mula ito kay Beth upang maibahagi sa inyo ang ....wow, just read on!

----- Forwarded Message ----
From: Maria Deyholos
To: spes reyes
Sent: Monday, May 17, 2010 9:58:48 AM
Subject: A favor to announce my fundraiser for UPIS Girl Athletes
*****************************************************************
Fundraiser:
30Km for 30K Pesos

In honor of the upcoming 30th anniversary of my K-10 alma mater, University of the Philippines Integrated School Class 1980, I will be running 30 KM on June 27, 2010 in order to raise P30,000.00 pesos (about $680-$700 CAD) to help meet the urgent needs of the sports program for UPIS girl athletes. On this date, I will be running by myself in my current hometown, Bragg Creek, Alberta, Canada, beginning at 6:30 am through 10:00 am. I welcome everyone who is interested to join me on this feat to run, walk, stroll, or bike in this beautiful and peaceful countryside.

To get more details about this cause or to make an online donation, please visit my fundraiser website http://www.runforUPISgirlathletes.myevent.com

Thank you kindly for your support.

Sincerely,
Maria Elizabeth (Beth) Zalazar Deyholos

Thank you so much, Beth! I hope a video clip of this event ( and the beautiful countryside landscape, too :) ) can be accessed and yes, shared with the UPIS students...actually marami na akong naiisip na background music for the video clip pero siyempre si Marcus Paz ang mas magandang tanungin sa mga ganyang bagay....

....yes, mga ginigiliw na sumusubayabay, kindly take note of fundraiser website...of course it won't hurt the cause if the funds raised exceed the target.... so press that button & make your online donation....now nahhh...

ahhht, hwag kalilimutan..... ang mga litrato na ipadadala kay Manny para sa Noon at Ngayon slide show, ang pag-iinsayo ng inyong presentation para sa July 10 para maging surprise batch idol at ang inyong dream come true disco outfit na matagal niyo nang itinatabi sa inyong baul for the right occasion...well, this is it! nga naman....

Mabuhay!

Friday, April 30, 2010

From Spes: DZUPIS'80 (1 May 2010)

...kumusta po muli mga ginigiliw na sumusubaybay...

...mabuting balita - sa kabila ng pagbuhos ng ulan na firiday pm rush hour pa, natuloy ang pagpupulong kina Syl tungkol sa ilalaman ng ating programa sa July 10...

...bukod sa naging mabunga ang pagtitipon, nagalak din kami ni Syl dahil nakarating si Bing2, si Boogie and guess who?! Aba, si Ferdinand Felix aka Tukayo and more popularly known these days as Pastor Butch...at asahan niyo, makakasama natin siya sa July 10...

...ang dami-dami na nating mga papremyo para sa program kaya iahanda niyo ang mga sarili niyo na makilahok sa games...don't worry, hindi gaanong mabibisto ang short term memory gaps niyo dahil long term memory ang mahahamon...

...at paalala muli, ang pag-iinsayo para sa inyong pagtatanghal sa ating programa...malay niyo, kayo na ang susunod na ibibida ng batch na idol...and good news - at this point, there's a good chance three handsom(a)..joke lang, ang pikon talo :)... fellows will be doing a reprise of....ay, secret pala...

ahhht ngayon, isa nanaman pong liham ang ipamamahagi, sa isang kaklaseng itatago natin sa pangalang Beth W....

Minamahal kong Beth W,

Sana ay nasa mabuti kang kalagayan...Naaalala mo pa ba na kung saan-saan tayo nakakarating noong araw, katulad ng Greenhills para lang manood ng sine? Wuthering Heights pa nga yata 'yon. Alam ko namang hindi ka na nakaatras noon kasi nakapagbitaw ka na ng 'oo' nang bigla kitang yayain...at siyempre pa, ang quiet tambayan natin doon sa malaking tindahan sa may kanto ng Balara.

May pinagtataka ako lately. Kasi, habang tumatagal na madalas kong nakakasama itong si Syl eh parang pahlutong ng pahlutong ako kung magmura...OMG! That really came to my attention as I was driving last night to the meeting at Syl's through the pouring rain, encountering stretches of heavy traffic, flooded sections and unfinished road projects. Has her company uncovered a once-hidden genetic trait or is it something I acquired? O, ayan, nang may katuwaan ka naman...habang nagdr-drive...

Nagmamahal,
Spes

...ahhht...paalala lang po muli, mga ginigiliw na sumusubnaybay...keep your photos coming Manny's way...

Mabuhay!


follow us on twitter: http://twitter.com/upis1980

Wednesday, April 28, 2010

From Spes: DZUPIS'80 - newsbreak (29 April 2010)



....pansamantalang ipinagpaliban po muna ang paglalaba upang iparating sa inyo...dito lamang saaah DZUPIS'80....(rolling drumbeats)

....dahil hindi na po maikakaila, mga ginigiliw na sumusubaybay....

....palapit na ng palapit ang July 10 kaya't kailangan nating mag-umpugan muli over buckets of ice and (root)beer...

....upang pag-usapan at buhayin ang ilalaman ng ating programa....

....dahil live ang audience, kailangnang live din at alive na alive ang mga itatanghal sa programa....

....sama-sama tayong muli....

BUKAS, April 30, 6pm kina Syl, at potluck pa rin po 

Mabuhay!

p.s. Yvette, I hope you managed to take home all the local foodstuff you got :)

Monday, April 26, 2010

FromSpes: DZUPIS'80 (26 April 2010)

..isang mainit-init na pagbati sa ating mga ginigiliw na sumusubaybay dito sa pinakasikat at walang kapantay na himpilang DZUPIS'80!

...sa kasawiang-palad, hindi ako nagwagi ng anumang premyo sa pa-Bingo noong nakaraang biyernes ngunit nabusog naman sa tawa...kasi naman, laging off by one number ang mga numero sa Bingo card ni Jerry V...

...napag-iisip tuloy ako... kung dapat ko ng samantalahin ang alok sa tuwing bukas ko ng e-mail na mapapasaakin ang 60% ng US$28million na nasa isang bangko daw sa Africa...aba, kung totoo 'yon ay wala na tayong aalalahaning fund-raising para sa July 10 at pati round-trip fares from wherever at first class accommodations for the reunion ay sagot na even for those coming from abroad...at puro big-time ang performers bukod sa akin, of course, at ang mga papremyo sa ating raffle, naku i-i-snob-in na yung ref...at malamang may out-of-town batch gimik pa sa...maybe Palawan...pwede na siguro sa El Nido...o di ba?!...talagang masarap mangarap!!! Libre naman daw at di bawal sa mahirap!!!

...ahhht...habang tayo'y nangangarap, pag-igihan na ang pagsasanay sa inyong aawitin o kaya naman ay sasayawing bilang sa ating programa sa July 10...take courage, it's mind over matter...after all these years, kayang-kaya na natin mag-project, as in, taas noo kahit tinikling pa 'yan...full of confidence na hindi maiipit sa kawayan...kaya ang mga ka-tropa niyo, walang tigil niyo nang kalampagiiiiin...dahil mahigit dalawng buwan na lang po ay dapat pang-idol na talaga ang inyong performance level...at kahit limpak-limpak ang ating pondo para sa July 10 to pay for known performers, priceless kasi ang endearing & entertainment value of seeing each other share a talent or two on stage...at inuulit ko po, mga ginigiliw na sumusubaybay...sabay-sabay nating abutin itong pangarap na maging... surprise batch idol...

....paalala muli, raid your baul for high school pictures to be sent to Manny, along with a more current one para sa Noon at Ngayon slide show....

....also check your baul for a late 70's-early '80's disco outfit for you to wear to our July 10 affair

....ahhht....sana'y....maulit muli....ang Binggohan!....kaya't antabayanan!

sa mga ginigiliw na sumusubaybay... always remember what 'Mabuhay!' means when you read it here...

kaya...hanggang sa muli,

Mabuhay!

Sunday, April 18, 2010

From Spes: DZUPIS'80 April 18.

...ahhht...tuloy-tuloy po muli ang pagsasahimpapawid ng ating palatuntunang DZUPIS'80!

....sana ay nasa maayos kayong kalagayan, mga ginigiliw na sumusubaybay....

....sa lahat ng mga nakadalo sa photo-op, sana ay nag-enjoy kayo...iunat lang with your fingertips ang lines from all the squinting we did under the bright sun...

....maraming salamat kay Paul Sison & co. for the photo-shoot....

....sayang nga lang at hindi nakarating ang mga make-up artist dahil naipit daw sa traffic...

....pero maaasahan naman daw ang photoshop to work miracles...and sana to add the faces of Janina and Joy to the group pictures....

....inaasahan po ang inyong pagdalo, mga ginigiliw na sumusubaybay, sa gaganaping Bingo kina Syl at Dodo sa darating na biyernes, April 23, after work....potluck po as usual and bring your preferred drinks...marami pong mga mapapanalunan kaya nagpagawa na ng bodegang sinlaki ng Multipurpose Hall si Syl para sa mga premyo...

....ahhht, para kay Beth, sana ay maganda ang daloy ng iyong training para sa fund-raising run...kung hindi lang sana gaanong mainit dito mag-aalok na sana ako as local counterpart for a paralllel fund-raising run pero 1000 meters lang, ha...at per meter ang patak ng donation ng sponsors...daig pa ang metro ng taxi....

....sa lahat ng mga ginigiliw na sumusubaybay, huwag mag-atubili na magbahagi ng liham, manawagan o magpahayag ng inyong mga mensahe....gamitin lamang ang DZUPIS'80 bilang subject...at kung gusto niyo magbahagi ng recipe or good humored advice para sa middle-age woes ay pwedeng-pwede rin....

....checklist  (  ) send pictures to Manny for Noon at Ngayon slide show
                  (  ) rummage through your old stuff for late 70's-early-80's disco outfit for July 10
                  (  ) Bingo this friday 
                  (  ) check out your high school crush(es) in FB...hehehe, joke lang po...

Mabuhay!




follow us on twitter: http://twitter.com/upis1980

Saturday, April 10, 2010

From Spes: DZUPIS'80 April 11

 

....ahhht....kumusta nanaman po muli sa inyong lahat....mga ginigiliw na sumusubaybay sa ating pinakasikat na palatuntunang DZUPIS'80!...

....maligayang bati para sa inyo na may anak na nagtapos nitong nakaraang Marso ng kinder, prep, elementary, highschool o di kaya'y college etc...isang bouquet of orchids para sa inyo!...

....dahil walang nangahas humula ng lumikha at umawit ng kanta na pinahulaan ko sa ating mga tumatangkilik sa ating palatuntunan noong huling pagsasahimpapawid....napilitan po akong gamitin yung gantimpala dahil may deadline yung gift certificate para sa makakahula... roundtrip tickets + top of the line accommodations inclusive of all meals for a a group of five at a high end resort in Boracay for the 4-day Holy weekend!....whohw! Hayaan nyo dahil may pagkakataon pa kayong manalo naman ng premyo sa BINGOhan sa April 23 kina Dodo & Syl...tiyakin nyo lang na kaya nyo magbuhat ng ref....

....ahhht....habang naghahalungkat kayo ng mga litrato para sa Noon at Ngayon slide show na itatanghal sa July 10 reunion, pakibuksan na rin ang baol at maghanap na ng late 70's disco outfit para sa reunion...at kung hindi na kasya ay may panahon pa naman para kumasya kayo uli sa inyong bell bottoms, cigarette pants o baston...if your memory is starting to fail you and you're wondering what outfit that would be, try to recall VST & co., Hagibis, Village People, Saturday Night Fever... to get into the groove!...at paki-rehaearse na rin yung dance steps ni John Travolta para wagi!

....ahhht....para sa mga nahiligang timugtog ng gitara noong highschool, aba, panahon na na mag-insa-insayo muli at magpakitang gilas sa pagtugtog at pag-awit sa ating big event, kahit pang-kalibreng Freddie Mercury lang...

.....isa nanaman pong liham ang aking ibabahagi sa ating mga ginigiliw na sumusubaybay....hindi kasi siya sumagot sa text at off-line ang kanilang landline...

.....para sa isang kaklaseng itatago natin sa pangalang....Anna....

Dearest Anna,

When I look back, you were arguably one of the wisest persons in our high school crowd, gently drawing those around you to step up to a higher level of thinking, understanding & compassion. Sometimes the wisdom shared then came from things we saw on TV, or heard in church that we absorbed like we were sponges. Like Gina quoting "The world is fair; it breaks everybody's heart, " or Marycil telling me about how humus is linked to humility. 

So how does that play into these days? Well, when I talk with my kids who are all in their teens, I keep reminding myself that indeed they may be wiser than their years, and I don't have to be right all the time. 

Oh, so sorry, Anna, our reunion venue is strictly non-smoking area, but just 3 or 4 floors down the elevator, there is a smoking area. But I suppose we should be wise enough now to know the better alternative...hahaha! 

With much affection,
Spes

....ahhht sa mga nais magbahagi ng kanilang liham, o manawagan, gamitin lang po ang DZUPIS'80 bilang subject at ipadala sa ating egroup...aba, malay nyo, ma-enjoy din ninyo ang pag-bro-broadcast...as in picking up a new career in mid-life...pero syempre yung pag-aawit sa radyo, ipaubaya niyo na sa mga katulad ko...

Mabuhay! 


=======