Showing posts with label up integrated school. Show all posts
Showing posts with label up integrated school. Show all posts

Friday, September 23, 2011

Huling Yugyugan: Costume Party Ba?

Calling all UP High, UPIS, UP Prep alumni! Here's your chance to party one more time at the UPIS Multi-Purpose Hall. Join UPIS Thriller Night: Huling Yugyugan sa Katipunan on October 28, 2011. This is going to be a blast!

Wednesday, September 21, 2011

Ikaw ay taga UP High Kung...



Message from Sylvia, Peachy and Miriam:

Please go to this website link to support our
sendoff party for the UP Integrated School.

Thriller Night: Huling Yugyugan sa UPIS

This is a project of Batch 1980.. our last event
for the school since it will be gone very soon...

Please share to UP High events.. and participate
by actively sharing and connecting for the school cause..

If you wish to volunteer your time and efforts.. please feel free to contact Ms. Sylvia Flordeliz-Pangalanan

Sincerely,
PR Committee of Huling Yugyugan..
Sylvia, Peachy and Miriam

Friday, September 16, 2011

UPIS Thriller Night: Huling Yugyugan sa Katipunan


Calling all UPIS, UP High, UP Prep alumni! Thriller Night: Huling Yugyugan sa Katipunan, UPIS Thriller Night is on Oct. 28, 2011 at the UPIS Multi-Purpose Hall. Everyone's invited.

For more details, contact:
Sylvia Pangalangan
cell phone 0.917.580.8992


Or email:
andoy.upis80+thriller@gmail.com

Saturday, April 10, 2010

From Spes: DZUPIS'80 April 11

 

....ahhht....kumusta nanaman po muli sa inyong lahat....mga ginigiliw na sumusubaybay sa ating pinakasikat na palatuntunang DZUPIS'80!...

....maligayang bati para sa inyo na may anak na nagtapos nitong nakaraang Marso ng kinder, prep, elementary, highschool o di kaya'y college etc...isang bouquet of orchids para sa inyo!...

....dahil walang nangahas humula ng lumikha at umawit ng kanta na pinahulaan ko sa ating mga tumatangkilik sa ating palatuntunan noong huling pagsasahimpapawid....napilitan po akong gamitin yung gantimpala dahil may deadline yung gift certificate para sa makakahula... roundtrip tickets + top of the line accommodations inclusive of all meals for a a group of five at a high end resort in Boracay for the 4-day Holy weekend!....whohw! Hayaan nyo dahil may pagkakataon pa kayong manalo naman ng premyo sa BINGOhan sa April 23 kina Dodo & Syl...tiyakin nyo lang na kaya nyo magbuhat ng ref....

....ahhht....habang naghahalungkat kayo ng mga litrato para sa Noon at Ngayon slide show na itatanghal sa July 10 reunion, pakibuksan na rin ang baol at maghanap na ng late 70's disco outfit para sa reunion...at kung hindi na kasya ay may panahon pa naman para kumasya kayo uli sa inyong bell bottoms, cigarette pants o baston...if your memory is starting to fail you and you're wondering what outfit that would be, try to recall VST & co., Hagibis, Village People, Saturday Night Fever... to get into the groove!...at paki-rehaearse na rin yung dance steps ni John Travolta para wagi!

....ahhht....para sa mga nahiligang timugtog ng gitara noong highschool, aba, panahon na na mag-insa-insayo muli at magpakitang gilas sa pagtugtog at pag-awit sa ating big event, kahit pang-kalibreng Freddie Mercury lang...

.....isa nanaman pong liham ang aking ibabahagi sa ating mga ginigiliw na sumusubaybay....hindi kasi siya sumagot sa text at off-line ang kanilang landline...

.....para sa isang kaklaseng itatago natin sa pangalang....Anna....

Dearest Anna,

When I look back, you were arguably one of the wisest persons in our high school crowd, gently drawing those around you to step up to a higher level of thinking, understanding & compassion. Sometimes the wisdom shared then came from things we saw on TV, or heard in church that we absorbed like we were sponges. Like Gina quoting "The world is fair; it breaks everybody's heart, " or Marycil telling me about how humus is linked to humility. 

So how does that play into these days? Well, when I talk with my kids who are all in their teens, I keep reminding myself that indeed they may be wiser than their years, and I don't have to be right all the time. 

Oh, so sorry, Anna, our reunion venue is strictly non-smoking area, but just 3 or 4 floors down the elevator, there is a smoking area. But I suppose we should be wise enough now to know the better alternative...hahaha! 

With much affection,
Spes

....ahhht sa mga nais magbahagi ng kanilang liham, o manawagan, gamitin lang po ang DZUPIS'80 bilang subject at ipadala sa ating egroup...aba, malay nyo, ma-enjoy din ninyo ang pag-bro-broadcast...as in picking up a new career in mid-life...pero syempre yung pag-aawit sa radyo, ipaubaya niyo na sa mga katulad ko...

Mabuhay! 


=======

Friday, April 9, 2010

AND BINGO WAS HIS NAME, OH!!! UPIS 1980 Bingo Night!

CALLING ALL UPIS BATCH 80 : PLS JOIN OUR FUND RAISING BINGO SOCIALS ETC ETC CALLED : AND BINGO WAS HIS NAME OH!!!!

WHEN; 23 April 2010 Friday
TIME:6pm
VENUE: DODO'S PLACE

POTLUCK..BRING WHAT YOU CAN BRNG WHAT YOU WANT...BRING YOURSELVES... COME AS YOU ARE COME AS YOU PLEASE...JUST COME....

UPIS 80 MEETING
APRIL 9 2010

PRESENT : SYLVIA P
BOOGIE SIMONS, PEACHY JACOB-ABLAN ( WITH THE SPECIAL PARTICIPATION OF BINHI)

BINGO PROPER

HOUSE RULES: 10 GAMES
AT P50./ TICKET
OR A DISCOUNTED PRIZE P400 FOR TEN TICKETS 

WITH SPECIAL GAMES IN BETWEEN AT 25 PESOS/ TICKET

GIFT PRIZES PLEDGED AS AT TODAY:

SENEN DE SANTOS - REFRIDGERATOR
SYLVIA PANGALANGAN - GIFT CERT TO A FREE IRONING (SPECIAL: NAVY SEAL), MAX 3 KILOS
COACH BOOGIE SIMONS- P1000. PESOS OR I BUNDLE ROLLING PAPER
PEACHY JACOB - ELECTRIC FAN (BATTERIES NOT NCLUDED)
PAUL EDWARD SISON - CAMERA (DISPOSABLE)
CHAELA CANLAS - DEXTROSE (2 BOTTLES)
MARC PAZ- HOLY WATER ( 3 BOTTLES )
GILBERT PANGYARIHAN - HOLY COW OR AS REQUESTED BY COACH BOOGIE : ICBM 
(1 UNIT )
KOPAK RONDAIN - 5 KILOS TILAPIA
BINHI - GOLDFISH (AQUARIUM NOT NCLUDED)

WE DISCUSSED MECHANICS OF THE GAME. 

***WE ARE STILL ACCEPTING PRIZES CASH OR KIND. PLS COORDINATE WITH SYLVIA, BOOGIE, PEACH , GERRY G. AND DAVID GUEVARA,JR.

THANK YOU .
PEACH J. A.

Sunday, March 28, 2010

From Spes: DZUPIS'80 March 26


o, ito... hulaan nyo kung sino ang lumikha at umawit....

nobody knows just why we're here
would it be faith or random circumstance
at the right place at the right time
two roads intertwine
and if the universe conspired
to meld our lives to make us fuel and fire
then know wherever you will be 
so, too, shall I be.... 

o, di ba? ang cosmic ng dating? Parang kalahi ng The Alchemist pero OPM ( that's Original Pilipino Music) po iyan...
...at syempre...dedicated yan sa lahat ng ating mga kaklase na hindi nagkatuluyan at maging doon na rin sa mga nagkatuluyan...at pati na rin sa mga tuloy pa rin ang paghahanap....and, even as the going gets rough we can gently remind ourselves, as the book I'm reading states it - we are guests in the universe....

Kumusta po mga ginigiliw na sumusubaybay? Tuloy-tuloy nanaman po tayo sa ating palatuntunang DZUPIS'80! 

Huwag nyong kalimutan, yung buto ng mga matatamis na mangga na nakakain nyo ay puwedeng itanim at pagdating ng tag-ulan ay maaari nyong i-transplant kung saan pwede silang lumago on their own... para may maani ang mga magiging apo ninyo.... 

....ipagpaumanhin ninyo....ako nanaman po muli ang liliham dahil na-delay yung e-mail ng iba, hindi po yata naisabay sa barko....

Mga minmahal kong kamag-aral sa Polaris,

Aking nabalitaan na matindi na ang paghahanda ng ibang section katulad ng Andromeda, Mercury, Saturn atbp para sa pagtatanghal sa July 10 program natin. Alangan namang ipaubaya nating kay Mario and Marcial ang pagtatanghal ng Polaris gayong marami tayong hidden talents...
Terry, do you think we can do a John Denver medley or something? What do you think Dahdah? Gil can still join even if he's quiet lang...Hermie, aasahan ka rin namin, ha...we had so much fun singing those songs before during breaks...May Ann, it should be no problem lipsinging...
naintindihan namin, movement ang forte mo....Jess, baka naman you have ideas pa to share....

Umaasang magparamdam kayo,
Spes

aaahhht, mga ginigiliw na sumususbaybay, nasimulan na po ang partitipon ng mga litrato para sa Noon at Ngayon. I brought some class pictures at last
friday's mtg and we had good time going over faces and identifying them. Ronnie Esteban who happened to be in town joined us with his wife, Aida. Andoy took shots and posted them right away at the sites he has created for our group. Remember to send your pictures for the slide show to Manny or Andoy...

....sana naman sa next meeeting makasama din kayo....the food is always great and the company, even better....mabubusog kayo sa tawa....

Mabuhay!


=======

Saturday, March 20, 2010

DZUPIS'80 part II

....ahhht...tuloy-tuloy po ang ating palatuntunan dito lamang sa DZUPIS'80!....

at ngayon, mga gibigiliw na sumusubaybay, bibigyang daan natin ang tinig ng isang kaklase.....hindi na po itatago sa ibang pangalan.....

________________________________
From: ronaldo esteban 
To: spes reyes
Sent: Friday, March 12, 2010 4:17:32 AM
Subject: Re: [upis1980] Fw: DZUPIS'80

Dear DJ Spes,

Isa po ako sa masugid na tagasbaybay ng iyong palatuntunan at nakakatuwa pong basahin ang mga nakakaaliw at nakakabaliw na liham mula sa ating mga batchmates. 

Thankful po ako kay Sylvia at bilib ako sa talent nya sa paghahanap ng mga "nawawala" nating batchmates. Si Syl po ang nag add sa akin sa Facebook at nag request na mai add ako dito sa ating group mail. 

First time ko bale makaka attend ng reunion ng batch and I'm really looking forward to seeing everybody on July 10. Nakikita ko rin ang mga pictures ng mga ka batch natin sa FB, some I still recognize kahit na "matured" na ang itsura. And thank to FB and this group mail, na-update ako sa mga happenings ng batch.

Gusto ko lang din malaman sana kung may contact pa kayo sa iba natin batchmates: Manuel Socco, Christina Maniego, Ferdinand Felix, Jonifer Calvan, Jose Gaerlan, Ramon Ortiz, Rael Reboton at iba pa.? 

Hanggang dito na lang po at humahaba na ang aking maikling liham.....

More power...

Gumagalang,

Ronnie Esteban

.....maraming, maraming salamat, Ronnie sa iyong liham! Sana mabasa rin ito ng ilan sa mga nabanggit mong mga kaklase....
......O ayan, Syl, ha, namumunga na talaga all the sleuthing work you've been doing.....(take a bow...under...multicolored confetti shower! plus rolling drum beats)

......o, diba? Kagalak-galak namang madinig ang kanyang tinig muli at magisnan sa alaala ang kanyang anyo....

It's funny how a stream of faces pass before our eyes as we read email. Gina used to say, "straight from WAKASAN" (title po yan ng Filipino illustrated komiks noong araw na tapos ang kwento sa bawat issue, hindi "itutuloy..."). Now I wonder if she meant mukhang bida o kontrabida.....pero syempre dito sa DZUPIS'80, lahat po tayo bida!
Kung hindi kayo sang-ayon na lahat tayo bida......aba'y kayo na nga ang kontrabida......

......isang pahabol na pasasalamat din sa mga nagpa-abot pa ng pledges para sa Noel Fund. Dahil nasara na po ang "pledging session", antabayanan na lang po natin ang payo mula kay Claro....

ahhht....para sa mga heartbroken nanaman....hindi na natuto.....isang awit......

........try to spare my feelings, if the feelings have to die.....
break it to me gently, if you have to say goodbye......

Hanggang sa muli, mga ginigigliw na sumusubaybay....

Mabuhay!



follow us on twitter: http://twitter.com/upis1980

DZUPIS'80- part I

...muli pong sumasainyo ang ating palatuntunang paborito ng lahat...DZUPIS'80!
...isang mainit-init na pagbati sa inyong lahat, mga ginigiliw na sumusubaybay....

paalala po lamang, magpadala na po ng intong mga litrato para sa NOON at NGAYON slide show...
litrato po ninyo, hindi po ng crush n'yo noon at crush n'yo ngayon katulad ng akala ng ilan...

ang mga litrato ay maaaring i-scan o kaya'y kunan ng litrato muli gamit ang digital camera para po maipadala sa email mismo ni Manny o kaya kay Andoy...

Sana ay makarating kayo sa kitakits sa ika-26 ng Marso, 6pm kina Syl,
kung saan sisimulan na rin ang pag-scan ng mga litrato kaya dalhin n'yo na rin ang mga litrato n'yo...

Simple lang makarating kina Syl.... Mula Commonwealth Ave., kanan sa pagitan ng McDo/Shell at EverGotesco. Sundan lamang ang kalye at sa dulo nito gumawing kanan sa may guard house. Sabihin lang sa guard at ituturo sa inyo ang lugar nila Syl. May tricycle din naman sa kanto ng McDo/Shell.
Kung galing kayo sa Katipunan, kumanan papuntang Celebrity Sports Plaza at pagkalagpas ng Albergus/Pandan Resto, kumaliwa patungong Commonwealth Ave...

Siyempre po, potluck pa rin pero kung hindi kayo masarap magluto, drinks na lang o chichirya, o kwento..... kalibitin na ang mga ka-tropa!...

May nagparamdam na muli sa YM makaraan ang ilang taong quietude o pandededma....at umaasa akong makakarating siya!....Abangan!

Isang panawagan -- kailangan natin ng isang screen para sa slide show sa July 10. Mangyaring ipagbigay alam dito sa DZUPIS'80 o kay Syl kung makapagdadala kayo...

Sa wakas....bibigyang daan natin ang isang liham....sa pagpapatuloy ng ating palatuntunang DZUPIS'80!



follow us on twitter: http://twitter.com/upis1980

Saturday, March 13, 2010

From Spes: [upis1980] DZ-UPIS'80

....isang lalake ang nagtanong sa record bar -- "Miss, meron ba kayo noong kanta na - (at inawit ang) lalalalala-lalalala-lalalalalalalalalalalahh"
at sinagot naman siya - "Ay, sir, sorry po, WAHlalalala-wahlalalala..."

....isa nanaman pong yugto ang sumasainyo dito lamang saaah DZ-UPIS, diyesenuebe-ochenta lamang po sa inyong talapihitan, sumasahimpapawid pa rin mula sa aming munting nayon, silangan ng Manila...

....sana ay nakaugalian nyo nang unat-unatin gently with your fingertips ang mga facial wrinkles especially when you're stressed...at kung hindi kayo tiyak na malinis ang keyboard at your fingertips, pwede rin naman gamitin ang the back of your hands...the results of this simple, do-it-yourself measure will surprise you....

....natagpuan na po ng ating kaklase na tinago sa pangalang Bert ang hinahanap niyang kaklase rin nating si Ernie...doon lang po pala sa kanto ng Kalye Sesame...nagkatapat sila nang bumili sila ng balot.... at bilang pasasalamat ay isang awit ang hiniling sa ating palatuntunan ni Ernie naman para kay Bert...

"....nagtatanong, bakit mahirap sumabay sa agos ng iyong mundo...
nagtataka, simple lang naman sana ang buhay
kung ika'y matino

sabihin sa 'kin lahat ng lihim mo
iingatan ko
ibaling sa 'kin ang problema mo
kakayanin ko...."

....ahhht isa nanaman pong liham ang ating ibabahagi para sa isang kaklaseng itatago natin sa pangalang Mabel....

Minamahal kong Mabel,

Mabuting balita! Hindi mo na kailangang maghukay sa mga gamit mo ng litrato para sa "Noon" portion ng "Noon at Ngayon" slide show na bubuuin ni Manny at ipapalabas sa July 10. Nabanggit ko na ito kay Susan. Naalala mo nung bumiyahe tayo nila Amihan at Susan sa Batac with the late Ma'm Flores? Aba, we have three pictures in swimwear at the beach, and one along the steps of a rectory. Tamang-tama dahil apat naman tayo. Now for the "Ngayon" portion you can bring a recent picture of yours/your family, plus, the four of us can go to the beach again for a pictorial, this time wearing, hold your breath..... malong naman siyempre. I haven't mentioned this to Amihan but I am sure she will not object to the malong idea...

Looking forward to seeing you again,
Spes

Isa pong paalala sa ating mga ginigiliw na sumusubaybay. Mangyari po lamang na ipadala ang inyong scanned/digitized pictures ng "Noon" at "Ngayon" sa email ni Andoy o ni Manny by March 30 sana dahil marami-rami ang mga litratong kailangang ayusin at lagyan ng captions.

Muli po kayo inaanyayahang lumahok dito sa ating palatuntunan, maging liham man, pagbati o panawagan. Lagyan lang po ng DZ-UPIS'80 sa subject at ipadala sa ating egroup.

Mabuhay!